The Great Escape

Single and Loving It!
http://www.facebook.com/phoebemadness

ANG GULO NG PILIPINAS!

November 20, 2007

Habang ginagawa ko ang lathalaing ito (malamang hindi ko siya sinusulat kasi nga electronic) eh hinihintay ko yung kasama ko sa trabaho. Andito ako sa opisina namin sa Taft. Dito ang tagpuan namin para pumunta sa prestihiyoso at sosyal na Ayala Ave. na nakakaloka ang daloy ng trapiko kahit alas onse na ng gabi. Wala talagang patutunguhan tong lathalaing ito. Gusto ko lang ipahayag ang lahat ng nasa utak ko para mabawasan naman ang mga iniisip ko.

Nung nasa bahay pa ako kanina, habang nagbibihis, napanood ko ang balita. Isang Bandila. Ano ang balita ng Bandila? Nasusunog na ang bayang sinasagisag nito.

Bomba. Karahasan. Pirated DVDs. Nakawan. Holdapan. Kidnapan. Rape. Pulitika. Kurakot. Pandarambong. Pampaputi. Susong walang bra. Eskandalo.

Sabi nung isang commercial, "Power to the people" daw ang binibigay ng sim card na tinda nila. Na kahit wala ka nang makain, makakapagtext ka pa rin sa mga kaibigan mo ng dalawampu hanggang apatnapung quotes sa isang araw. Na kahit naglalakad ka na lang papasok ng trabaho eh okay lang basta matext mo lang ng mga nakakakiliti at walang kasense-sense na message ang dinidigahan mo.

"Power to the people". Ang pagtaas ng presyo ng langis sa pangdaigdigang merkado. Ang napipintong pagtaas ng pamasahe. Ang pagtaas ng isang kilong manok na pangarap mong ihain sa hapag-kainan ng iyong mag-anak. Wala, Lucky Me Beef na lang ulit. Damihan mo ng sabaw, maalat naman yan. Unti-unti mo na nasasangla ang mga gamit mo. Teka, may bagong cellphone. Gusto ko yon. 5 megapixel, itim, maganda ang pindutan, sosyal. Gusto ko talaga yon.

Sabi ko sa inyo eh. Mahihilo lang kayo kung nakarating na kayo sa dakong ito ng walang kakwenta-kwenta kong lathalain. Bakit hindi? E Pilipino ako eh, natural lang na magulo ako. Magulo kasi ang lahi ko.

Ipinanganak ako sa Pilipinas. Ang tatay ko ay kalahating Intsik at kalahating Bicolano, ang nanay ko naman ay may lahing Kastila at Ilocano. May splash din kami ng Amerikano sa lahi namin. Pero sa Sampaloc ako pinanganak. Hindi pa ako nakakasakay ng barko o ng eroplano. Hindi pa ako nakakatuntong sa kahit anong bansa. Marami akong alam tungkol sa mga bansang nakapalibot sa lahi ko pero ni minsan, hindi ko pa sila nararating. Bukod sa kasalatan sa salapi, isang rason na rin ang katamaran. E Pilipino ako eh, natural lang na magulo ako. Magulo kasi ang lahi ko.

Napanood ko si Willie Revillame nung isang araw. Tapos nabasa ko yung blog ng isa nating kasamahan sa Multiply. Nakakatuwa. Pansinin ninyo, pag gusto niyang paiyakin yung mga kausap niya, lalong minamalat ang boses niya. Lahat itatanong niya para lang mapaiyak niya yung bata. Yung araw na yon, binara siya nung bata - hindi daw siya iiyak. Panalo naman, hindi nga umiyak yung bata. Ampon daw siya, isa sa foster parents niya ay tibo. Pinanawagan siya ni Willie sa mga tunay niyang magulang. Sabi nung bata sa tatay niya, "_____ (pangalan), niloko mo lang ang nanay ko. Loko loko ka pala." Tawanan. Pati si Willie natawa. Ang sabi ni Willie sa bata e tatay niya yon. Tinuturuan pa niya na Tatay ang itawag nung bata, hindi yung buong pangalan. Eh ano bang pakelam ni Willie? Akala mo naman napakahuwaran niyang ama kung makapagpayo sa bata. Muntik na mapaiyak ang bata pero matatag siya… hindi siya umiyak hanggang sa huli.

Andito na pala ako sa Makati, ang prestihiyosong siyudad. Mantakin mo yan, nakapagblog habang bumiyahe. Wahaha! Ano bang ginagawa ng draft? Kasalukuyan akong nasa conference bridge kasama ng aking mga katrabaho. Nag-uusap ang mga bossing sa Tate tungkol sa Sales. Siyempre, hindi kami nakikinig talaga ng todo. Mas importante ang blogging (para sa akin), guys4men (para kina Julius ar RJ) at youtube (para kay Riztil na mahilig sa mga hayop). Dumudugo na ang ilong ko kakaintindi ng mga sinasabi nila habang tinatype ko tong blog na to pero dedma lang. Ganito na kami nasanay: multitasking. Ganyan talaga siguro sa call center, kahit matanda ka na, basta may alam ka sa computer, kahit papaano e magkakaroon ka ng multiple personality disorder o kaya ADHD para lang malibang ang sarili mo.

ADHD. Kumuha ako ng online test tungkol sa sakit na yan last year. Doon ko napagtanto na meron din ako nito. Full-blown. Nakakaloka. Ang nagsabi sa kin nito e barkada ko na under medication pa nga. May kalalaan ang kaso niya pero umiinom nga siya ng gamot. Minsan, nagkainuman kami. Umabot na sa puntong antok na antok na ko. Dahil ugali ko ngang tulugan ang beer, natulog ako sa loob ng bar na yon. Nagising na lang ako sa kalampag ng lamesa. Nagkakasagutan na sila. Hindi pala, kwentuhan lang. Pero sinasaktan na ng barkada ko ang sarili niya habang nagsasalita. Inaatake na. Ganyan ang sakit namin — hindi mapakali sa iisang lugar, sinasaktan ang sarili, hindi maintindihan ang ugali. Pero masaya kasama kasi magulo. E Pilipino ako eh, natural lang na magulo ako. Magulo kasi ang lahi ko.

Nalaman ko rin na ang anak na panganay ni Kris Aquino ay may ganito ring karamdaman. Nakakatuwa naman kasi ako nakakatingin ako ng diretso sa tao, maging ang kaibigan ko. Napanood ko nung isang araw yung Mercury Rising ni Bruce Willis. Ang sabi sa taong hindi makatingin ng diretso sa iba e may Autism. Hindi kaya Autistic talaga ang anak ni Kris at hindi niya lang talaga matanggap na ganon kalala kaya ang sabi niya e ADHD lang? Anong masama sa autistic e kung tutuusin mas matalino nga sila. Naalala ko tuloy yung professor ko sa Psychology noon. Nagdrowing siya ng malaking bilog. Sabi niya yun daw ang normal na tao. Mula sa bilog na yon, nagdrowing siya ng parang "tilamsik" — may lumagpas sa bilog, merong nasa loob ng bilog. Ang paliwanag niya: yun ang mga autistic - may labis, may kulang. Gusto ko tuloy itanong: ang mga Pilipino kaya may autism? Lahat ba tayo "tilamsik" ng isang normal na bilog? E kasi maraming autistic sa gobyerno. Labis-labis ang kurakot, kulang-kulang ang trabaho. E Pilipino din sila eh, natural lang na magulo sila. Magulo kasi ang lahi nila.

Yung kapatid ko kumukuha ng Masteral Degree ngayon sa University of Houston sa Texas. Nakwento ko na sa inyo yon, si Dindi. Baka tuluy-tuloy na yon hanggang sa Doctorate Degree niya. Lima o anim na taon siya don. Wala na sigurong uwian at mahal ang pamasahe. Ka-chat ko siya kahapon. Nalulungkot at namimiss na raw ako. Pinatawa ko na lang at sabi ko e bilhan ako ng thongs kapag sale na naman sa Victoria's Secret. Pinaliwanag ko pa kung ano ang thongs kasi hindi niya raw alam. Manang talaga. Proud at inggit ako sa kanya. Proud kasi siyempre, nagkakalat ang lahi namin ng lagim sa Estados Unidos. Inggit kasi makikita niya yung crush ko nung elementary na taga-Texas na rin ngayon. Hahaha! Inggit kasi hindi niya nararanasan ang hirap dito sa bansa natin ngayon. Nahihirapan lang siguro siyang pagkasyahin ang stipend niya ngayon kasi nga nagpapadala pa siya kina Mama pambayad sa mga inutangan namin para makaalis siya. Tiis tiis lang. Buti na lang, pagkatapos ng isang buwang walang trabaho, nabigyan ako ng break noong Oktubre. At naging manager pa. Pero magaling si Lord. Talagang binigyan niya ko ng Extra Challenge. Nagparamdam yung isa ko pang kapatid, si Joe-na. Siyempre, sino pa ba naman ang magtutulungan kungdi kami ring magkakapatid. Ayokong maranasan ng sino man sa aming apat na magkakapatid na mapagkaitan ng tulong. Naranasan yon ng papa ko at ginawa niyang magandang halimbawa para hindi namin pabayaan ang isa't isa. Solid 'to, pare! Siyempre, kailangan kong tulungan si Joe-na dahil napagdesisyunan niyang magkaroon na ng sarili niyang pamilya. Wala pang baby, pero meron na siyang katulong para gumawa nito. Andito naman ako para suportahan sila. Balak ko silang ipakasal sa darating na taon. Ang bait naman ni Lord, tinutulungan niya ko sa pagsustento ng mga bagay-bagay.

Yung bunso naman namin, si Chenille, eh dalagita pa rin. Ayaw magboyfriend pero alam ko marunong na rin kiligin. Pangako niya sa nanay at tatay namin na siya ang magtataguyod sa pangalan ng aming pamilya. Kamusta naman, di ba? Matagal na rin akong hindi nakakauwi ng Calamba at sobrang namimiss ko na siya. Nalulungkot nga ako na nung huling uwi ko ng Calamba e nahihiya na siya sa akin… unti-unti nang lumalayo ang loob niya. Naiintindihan ko naman kasi kasalanan ko naman. Babawi talaga ako.

Natatawa ako kasi nung isang linggo tinawagan ako ni Mama. Tapos ipinasa niya kay Papa. Ang lambing ni Papa, nangangamusta. Sabi ko, uuwi ako dyan. Sagot siya, "Ang mahal ng pamasahe, wag ka na muna umuwi." Mantakin mo, akala niya ako si Dindi. Nang malaman niya ang kanyang pagkakamali, ipinasa niya sa nanay ko. Nagtampo naman ako. Mega-text naman ang pudra. Wag daw ako magdrama. Hehehe! Fine. Basta masaya ako at malaki ang pagpapasalamat ko sa Diyos na hindi niya pinapabayaan ang kalusugan nila.

Isa akong tipikal na Pinoy na mapagmahal sa pamilya. Ipaglalaban ko hanggang kamatayan ang pamilya ko. Pero siyempre, umabot na rin ako sa katotohanan na kailangan ko rin isipin ang mga pangangailangan ko. Ilang taon na ko, hindi pa ko nakakaipon. Wala akong bank account, wala akong ari-arian. Ni cellphone na matino nga hindi ako makabili eh. Pero tiis-tiis nga lang muna. Aabot din naman siguro ako don.

Nung na-promote ako, ang sabi ng mga malalapit sa kin e I deserve it daw. Hindi pa rin nagsisink in sa akin ang posisyon ko kasi tamad pa rin ako. Hahaha! Siguro nga manager na ko. Kahit nagtatawag din ako, keri lang, basta may trabaho. Sa totoo nga, pati yung managers sa site namin sa Tate nagtatawag din naman. Kasi diretsong mga may-ari ang mga dapat naming makausap. Pinoy talaga ako, defensive. At Pinoy pa rin ako, kasi gusto ko itong sabihin sa mga galit sa akin: MANIGAS KAYO SA INGGIT!

Bwahahahahaha!

Kailan ba ko huling tumawa ng ubod ng lakas? Yung todo-todo na sumakit yung tiyan ko at natae ako kakatawa? Matagal-tagal na rin pala. Ngayon kasi nauutot lang ako. Kadalasan din, ako yung nagpapatawa, kahit hindi naman talaga ako nagpapatawa. Natural lang talaga siguro kasi nga Pinoy ako. Mababaw ang kaligayahan, mapagbiro. Mapanlait, mapandaot. Tapos tatawa. Maaasar, mapipikon.

Away. Gulo. Kahit kami ng boyfriend ko lumalabas ang pagka-Pinoy. Nagbreak kami nung isang buwan lang. Masakit. E kaso magulo na eh. Pero hindi ko kaya. Parang namatay na rin ako kapag nawala siya. Naks! Daig ang teleserye! Mahal ko siya, bahagi siya ng puso ko. Ayaw ko siyang mawala. Hindi ako papayag. Bakit si Anabelle Rama, naipaglaban niya ang pamilya niya kahit maraming kabit na ang dahilan? Hindi naman nambababae si Andrei. Napakalaki ng tiwala ko sa kanya. Magulo lang talaga ang utak ko, magulo din siya. Nagkagulo na. Pero maayos na kami ngayon. Sana tuluy-tuloy na. Ngayon ko lang ito ibobroadcast. Mahal ko siya, at lahat ay gagawin ko para maging masaya siya. Ang landi ko.

Pag-ibig. Isa sa mga dahilan kaya masaya ang bansa natin. Punung-puno tayo ng pag-ibig. Minsan nga nag-uumapaw e binabahagi na ng iba sa dalawa, tatlo o apat na asawa. Yung namatay sa bombing sa Kongreso? Magandang hinaharap ang iniwan niya sa mga asawa niya. Pinatakbo sa eleksyon, nanalo, may mga posisyon na ngayon at syempre, may kinikita na para sa mga anak nila. Pagbibigayan. Nagkakaintindihan silang lahat na mga asawa ng iisang lalaki. Talbog!

Ano kaya kung sundin ng pamahalaan ang ganitong paniniwala? Hindi ako galit sa mga kababayang Muslim, gusto ko ngang manirahan kasama nila para magsuri sa kanilang mga paniniwala. Pero ano kaya ang mangyayari sa ating bansa kung lahat tayong mga babae e asawa lang ng isa, dalawa o tatlong lalaki lang? Magiging asawa kaya ako ni Dennis Trillo, kasama ng tatlumpu pang babae? Hay, masarap ang pag-ibig Kristiyano. Loyal.

Loyalty. Parang kathang-isip na rin lang. Marami pa rin namang naghihiwalay — mapaasawa man o close friend sa Gabinete. Ganon talaga eh. Hindi permanente ang loyalista maliban na lang talaga siguro kung napakalalim ng pinag-ugatan. Parang ako sa mga kaibigan ko. Ipaglalaban ko rin ng patayan ang mga kaibigan ko.

Pasensya na. Hindi naman ako nagkakape, nagdodroga o humihitit ng katol. Gusto ko lang ilabas ang laman ng kukote ko para mabawasan ang iniisip ko.

Ayan nailabasa ko na. Pero magulo pa rin ako. Malamang, Pinoy ako e.

O, yung mga umabot dito sa huli, magcomment naman kayo! ^_^

 

 

 

Posted by phoebemadness at 11:41 pm | permalink | comments[2]

Sponsored Links

Who? Me? Ya, YU!!!

I blew my first birthday candle when Senator Ninoy Aquino was shot. Dad pushes a strict diet on me; worrying about my heart. Mom loves cooking cholesterol for me. I collect hobbies, sports and Hello Kitty things.

Twisted. Insane. Autistic at times.

Cook Sinigang na Baboy for me and we will be friends for life. I will crochet a bag for you. 

I have a penchant for clean bathrooms. I scrub my toilet bowl squeaky clean. I love picking my nose. I can beat you if you challenge me to a farting contest.

I forced everyone in the house to have a Facebook account. Now, Dad has Twitter, Mom has Plurk. I cancelled some of my sites for selective amnesia purposes.

I don't buy much clothes lately. I choose whatever's on top of the dresser. I comb my hair after taking a bath and that's it. 

I like joining ANY activities at work. Every performance may not be a canvas but the intent is achieved. A hearty laughter from the audience is my most cherished treasure. I still want to be a CNN newsanchor but being a comedienne is more appealing money-wise.

I have attention deficit hyperactivity disorder. I just got out from having Angina Pectoris. My laptop is almost 3 years old and the letters N, E and O are instigating a mass resignation. Funny, this is a NEO Notebook.

I love God. He loves me, I know.

 

Subscribe

Technorati
Bloglines

Yeah

valli:

http://www.formspring.me/healthywoman buy african mango plus,
http://www.africanmango.be african mango,
http://www.africanmangoplus.eu african mango plus,
http://www.africanmangoreviews.eu african mango reviews,
http://www.buyafricanmango.eu buy african mango,
http://www.shopafricanmango.com african mango,
http://www.bestvodka.org.uk best vodka,
http://www.playblackjackonline2012.com play blackjack online,
http://www.toenailfungustreatment24h.info toenail fungus treatment,
http://www.toenailfungustreatment365.info toenail fungus treatment,
http://www.toenailfungustreatment4u.info toenail fungus treatment,
http://www.toenailfungustreatmentfaster.info toenail fungus treatment,
http://www.toenailfungustreatmentp.info toenail fungus treatment,
http://www.toenailfungustreatmenttoday.info toenail fungus treatment,

Investasi Emas:

http://oxykita.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-best-review.html
http://socialmediauncovered.blogspot.com/2011/12/pustaka-bisnis-investasi-emas.html
http://socialmediauncovered.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-info-banyumas.html
http://aashari.blogspot.com/2011/12/investasi-emas-broker-link.html

investasi emas:

Resources like the one you mentioned here will be very useful to me! I will post a link to this page on my blog. I am sure my visitors will find that

Renaisance Solutions:

Blogwalking, please visit my sites too :)

http://www.renaisancesolutions.com/
http://www.metrotvnews.org/
http://www.maxedesign.com/
http://www.leetechgenesys.com/
http://www.gogreendc.com/
http://www.eastportbusiness.com/
http://www.westpointheatre.org/
http://www.viperwebsolutions.com/
http://www.menslibrary.us/
http://www.globaljeansparty.org/
http://www.hhgmovers.com/
http://www.atlnbaslh.org/
http://www.www.emotionstudio.net/
http://www.healthcommodity.com/
http://www.technologyca.com/
http://www.businesssuggest.com/
http://www.suntabloid.com/
http://www.girlsbulletin.com/
http://www.nolafashion.com/

Fitness equipments:

Presently its perfect time to make a few plans for the long run and it is the moment to enjoy. Ive learn this publish and if I may just I want to recommend you few interesting issues or suggestions. Maybe you could post next post regarding this post. I hope to study even more issues of it!

pulauweb web hosting murah indonesia:

I really enjoy this template youve got going on on your web page. What is the name of the theme by the way? I was thinking of using this style for the web site I am going to build for my class room project.

Exercise Routine:

Just a fast hello and also to thank you for discussing your ideas on this web page. I wound up inside your weblog right after researching physical fitness connected issues on Yahoo guess I lost track of what I had been performing! Anyway I’ll be back once once more inside the future to examine out your blogposts down the road. Thanks!

Most Beautiful:

amazing site, thanks

Pemancar FM:

Pemancar FM

http://www.kumpulancara.com/2011/08/tabletandroidhoneycombterbaik-murah.html:

Tablet Android Honeycomb Terbaik Murah

Mercedes-benz Mobil Mewah Terbaik Indonesia:

http://www.belajaraffiliasi.co.tv/2011/05/mercedes-benz-mobil-mewah-terbaik.html http://www.belajaraffiliasi.co.tv/2011/06/tablet-android-honeycomb-terbaik-murah.html http://www.belajaraffiliasi.co.tv/2011/05/mari-berkomunitas-di-faceblog.html http://www.belajaraffiliasi.co.tv/2011/04/meriahkan-pesta-ulang-tahun-bersama.html

Mercedes-Benz Mobil Mewah Terbaik Indonesia:

Mercedes-Benz Mobil Mewah Terbaik Indonesia

martinez vs williams:

watch martinez vs williams fight this nov. 20 here: martinezvswilliams.eztvstream.com

pacquiao vs margarito:

Big event this coming Nov. 13 2010, watch it
here: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com/

haye vs harrison:

watch this fight this Nov. 13 2010 here:
http://hayevsharrison.eztvstream.com/

martinez vs williams:

watch the coming figth of Martinez vs Williams here:
http://martinezvswilliams.eztvstream.com/

Martinez vs Williams:

whose ur bet?

Reign Loleng:

Pyu! My new blog is at reignloleng.wordpress.com BTW, nakabili ka ba ng boxes sa Cash & Carry?

phoebemadness:

Yep. Hehehe!

Ade:

You’re I.PH?! Wow!

Leave a message ▼